BINATILYO PATAY SA GANG WAR

0

NAMATAY habang inoobserbahan sa pinagdalhang pagamutan ang isang 14-anyos na binatilyo na binaril sa ulo ng grupo ng Batang City Jail nang sumiklab ang riot sa Mel Lopez Boulevard, dating Road 10, malapit sa panulukan ng Moriones St. sa Tondo, Manila noong madaling araw ng Huwebes.

Nilapatan ng lunas sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Ariel Manalo y Moring, residente ng #1328 Carlos P. Garcia St., Tondo.

Gayunman, nalagutan ng hininga ang biktima dakong 12:36 ng hapon noong Huwebes.

Noong Sabado (Pebrero 27), isinailalim ng Manila Police District-Homicide Section sa inquest proceedings ang mga suspek na kinilalang sina Frankielyn Rabino y San Ramon, alyas “Iking,” 20, at Tyron Juls Mejos y Sison, 17, sa kasong murder.

Ayon sa ulat ni Det. Jorlan Taluban, nangyari ang gang war bandang alas- 5:00 ng madaling araw.

Bago ang insidente, habang naglalakad ang biktima kasama ng kanyang mga kaibigan, sa Mel Lopez Blvd. nang pagbabatuhin sila ng mga bote ng softdrinks ng grupo ng mga suspek.

Bunsod nito, gumanti ang grupo ng biktima na pinagpupukol naman ng mga bato ang grupo ng mga suspek hanggang sa tumakbo ang mga ito.

Ngunit bandang alas-5:00 ng madaling araw ay bumalik ang grupo ng mga suspek at inatake ang grupo ng mga biktima habang nakaupo sa panulukan ng Sto. Niño at Moriones streets.

Tumakbo ang grupo ng mga biktima ngunit hinabol ni Rabino si Manalo at nang makorner at binaril sa ulo.

Agad namang isinagawa ang follow-up operation at sa pakikipag-ugnayan ng MPD-Station 2 sa MPD-station 1, ay nadakip dakong alas-5:40 ng madaling araw si Mejos ng Don Bosco Police, habang si Rabino naman ay naaresto ng Raxabago Police dakong alas-4:45 ng hapon ng araw ding iyon. (RENE CRISOSTOMO)

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment