BIYAHE NG LRT-2 AAGAHAN NG 1 ORAS

lrt500

(NI KIKO CUETO)

SIMULA sa Lunes, October 14, aagahan na ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang kanilang biyahe.

Ayon sa tagapagsalita ng LRTA na si Atty. Hernando Cabrera, aagahan nila ng isang oras ang pagbubukas.

Ibig sabihin mula sa dating 6am, magiging 5am na ang pagbubukas.

Magsisimula ang partial operations ng LRT2 ng 5am.

Ang huling commercial trains ay aalis mula  Cubao ng 8:30 p.m., at mula sa Recto ng 9 p.m.

Ang ilang stations ng LRT-2, na tumatakbo mula Pasig hanggang Manila, ay tumatakbo ng limited capacity mula pa noong Martes.

Ang pansamantalang pagsasara nito at nangangahulugan ng pagkawala ng kita na P1.5 bilyon kada araw sa LRT.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment