CALOOCAN COVID CASES UMAKYAT SA 7,216

PUMALO na sa sa 7,216 ang tinamaan ng COVID-19 sa Caloocan City, at 212 na ang namatay dahil sa nasabing sakit, batay sa ulat ng Caloocan Health Department noong Miyerkoles, Setyembre 16.

Sa nasabing bilang ng mga nagpositibo ay 6,198 na ang nakarekober.

Samantala, limang pasyente ang binawian ng buhay dahil sa pandemya sa lungsod ng Malabon noong Miyerkoles at 176 na ang COVID death toll sa siyudad.

Ayon sa Health Department ng lungsod, ang mga namatay ay buhat sa Barangay Catmon (1), Longos (1), San Agustin (1), at Santulan (2).

Bukod dito, 77 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 4,688 na ang positive cases, 491 dito ang active cases.

Sa kabilang banda, 117 ang nadagdag sa mga gumaling. Sa kabuuan ay 4,021 ang recovered patients ng lungsod.

Sa lungsod naman ng Navotas ay may nadagdag na 21 kumpirmadong kaso ng COVID-19 at 36 naman ang nakarekober.

Umakyat sa 4,716 ang nasapol ng COVID-19 sa lungsod. Sa bilang na ito ay 4,263 na ang gumagaling, 321 ang active cases at 132 na ang namatay.

Sumipa naman sa 6,261 ang bilang ng COVID positive sa Valenzuela, kung saan 1,042 ang active cases, 5,048 na ang nakarekober at 171 na ang namatay. (ALAIN AJERO)

34

Related posts

Leave a Comment