COVID-19 CASES SA PASAY LUMOBO SA 512

LALO pang tumindi ang kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Pasay patunay ang pagtaas ng bilang ng active cases na mula sa dating bilang na 434 ay umakyat sa 512.

Ang aktibong kasong ito ng COVID-19 ang pinakamataas sa loob ng limang buwan, ayon sa tala mula sa pamahalaang lungsod.

Makikita sa talaan ng pamahalaang lokal na mabilis ang pag-akyat ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ang bilang ng aktibong kaso ay katumbas ng 6.45 porsyento ng kabuuang 7,937 kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Umabot sa 7,220 ang mga gumaling, samantalang 203 ang bilang ng mga namatay.

Mayroong “upward trajectory” ng bagong kaso simula Pebrero 8 nang ang nakatalang kaso ng COVID-19 ay pumalo pa lamang sa 80.

Kaugnay nito, nananatili sa lockdown ang 55 barangay sa loob ng labing-apat na araw.

Dahil dito, naghigpit ang pamalaang lokal sa pagpapatupad ng anti- COVID-19 protocols.

Kasama ang lokal na pulisya sa pagpapatupad ng lockdown sa nabanggit na mga barangay. (MARINHEL T. PADILLA)

70

Related posts

Leave a Comment