COVID-19 CASES SA PASAY, SUMIRIT

TUMAAS sa 435 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay noong Pebrero 23 mula sa 395 noong Pebrero 22.

Posibleng tumaas ang dami ng tatamaan ng COVID-19 dahil umabot na sa puntong magkakasama sa bahay ang nagkakahawaan sa nasabing virus, diin ni Mico Lorca, pinuno ng Pasay City contact tracing team.

Ani Lorca, nasa 60 porsyento ang magkakasama sa kani-kanilang mga tahanan ang tinatamaan ng COVID-19 na siyang lumabas sa isinagawang contact tracing noong Lunes at Martes hanggang kasalukuyan, dagdag pa ni Lorca.

Dahil umabot sa 435 ang nagkaroon ng COVID-19 sa loob ng ilang oras mula Lunes hanggang Martes, itinaas sa 55 ang bilang ng mga barangay na isinailalim sa “localized community quarantine” ng pamahalaang lungsod.

Batay sa rekord, tatlong kaso ng COVID-19 ang positibo sa mga barangay na napasama sa lockdown. (MARINHEL T. BADILLA)

 

56

Related posts

Leave a Comment