HEAT INDEX SA MAYNILA PUMALO SA 44°C

hot temperature1

(NI DAHLIA ANIN)

PUMALO sa 44°C ang heat index sa Maynila na nairekord nitong artes.

Ayon sa Pagasa patuloy na naglalaro sa pagitan ng 40°C-42°C ang naitala nila hanggang alas-4:00 ng hapon.

Patuloy pa rin na tataas ang heat index sa Metro Manila kahit na may 55% tsansa ng pag-ulan sa bandang hapon.

May mga pag ulan naman dulot ng thunderstorm ang makakaapekto sa ilang lugar kabilang dito ang MIMAROPA, Palawan, Ilocos Region, Cordillera, Bataan, Zambales at Aurora.

Ang Intertropical Convergence Zone naman ay maaring magdala ng ulan sa Visayas at Mindanao.

69

Related posts

Leave a Comment