ILANG FLIGHTS KANSELADO KAY ‘FALCON’

calcelled55

(NI MAC CABREROS)

KANSELADO ang ilang flights at klase  dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Falcon at pinatindi nitong Habagat ngayong Miyerkoles.

Sa ulat ng Manila International Airport Authority (MIAA), maraming stranded sa mga paliparan dahil sa pagkansela ng flights ng Cebu Pacific, CEBGo at Skyjet.

Kabilang sa apektado ang mga pasahero ng CebuPac flights 5J 321 at  5J 322 Legazpi-Manila-Legazpi, 5J 901/ 5J 902 Caticlan-Manila-Caticlan, 5J 506/ 5J 507 Tuguegarao-Manila; J196/197 Manila-Cauayan-Manila, 5J504/505 Manila-Tuguegarao- Manila.
Cebgo flights DG 6057 at DG 6058 Busuanga-Manila-Busuanga; Skyjet flights M8 711 at M8 712 Busuanga-Manila-Busuanga, M8816/817 Manila-Basco-Manila.

Sinuspinde rin ng mga awtoridad ang klase sa ilang bahagi sa Visayas dahil sa malakas na buhos ng ulan bunsod ng habagat na pinatindi ng bagyo habang all levels ang walang pasok sa Luzon kasama ang Metro Manila dahil din sa malakas na buhos ng ulan na nagdulot ng pagbaha.

Pinag-iingat ng awtoridad ang mga nasa mababang lugar na gumawa ng karampatang hakbang dahil sa pagbaha habang landslide sa bulubunduking lugar.

Sa taya ng PAGASA, inaasahang  nasa dulo ng Luzon ang mata ng bagyong Falcon at hihigupin at papatindihin pa rin nito ang habagat ngayong Huwebes.

 

89

Related posts

Leave a Comment