INMATE SA MPD-STATION 3, PATAY SA COVID?

HINIHINALANG sanhi ng coronavirus disease ang ikinamatay ng isang inmate sa selda ng Manila Police District-Sta. Cruz Police Station 3 makaraang mahirapang huminga noong Miyerkoles ng gabi.

Tinatayang nasa 45-anyos ang hindi pinangalanang biktima na ayon kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng MPD- Homicide Section, bandang alas-7:00 ng gabi nang dumaing ito ng hirap sa paghinga.

Agad naman itong isinugod sa pinakamalapit na pagamutan subalit hindi na umabot nang buhay.

Batay sa rekord ng pulisya, ang detainee ay may kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearm and Ammunition, New Anti-Carnapping Law at Resistance and Disobedience to a Person in Authority.

Nadakip ito noong Oktubre 24, ng taong kasalukuyam.

Gayunman, hinihintay pa ang resulta ng autopsy sa bangkay ng inmate upang matukoy kung COVID-19 ang ikinamatay nito o atake lamang sa puso. (RENE CRISOSTOMO)

68

Related posts

Leave a Comment