LEGASIYA NI BONIFACIO PATULOY SA MGA OBRERO

0

IPINAGPAPATULOY ng mga obrero ang legasiya ni Gat Andres Bonifacio na nakipaglaban, hindi lamang para sa bayan kundi sa karapatan ng tulad niyang uring manggagawa.

Ito ang pahayag ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite sa ika-157 taong kaarawan ni Bonifacio kahapon, Nobyembre 30.

“Ang mga obrero ng ating panahon na lumalaban para sa kanilang mga karapatan, sila ang mga Andres Bonifacio ng ating panahon. Sila ang nagpapatuloy sa dakilang pakikibaka para sa makatarungang reporma, hustisyang panlipunan, at tunay na kalayaan,” ani Gaite.

At tulad aniya ni Bonifacio, target ng gobyerno ang mga obrero na nakikipaglaban para magkaroon ng makatarungang sahod, regularisasyon sa trabaho at iba pang karapatan sa paggawa.

Ipinaalala ni Gaite sa gobyerno na tulad ni Bonifacio ay hindi isusuko ng mga manggagawa ang kanilang karapatan hanggang sa magtagumpay ang mga ito tulad ng dakilang bayani.

“As long as the myriad of issues besieging labor, such as contractualization, low wages, lack of benefits, union-busting, and exploitative working conditions amongst others is not addressed then they will continue to fight on, and be inspired by revolutionary obreros like Gat Andres Bonifacio,” ayon pa sa mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment