LTFRB KINALAMPAG SA ‘TURBO TIMERS’ NA TAXI

(NI ABBY MENDOZA)

PINAKIKILOS ni  PBA partylist Rep. Jericho Nograles ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB ) na aksyunan ang naglipanang mga taxi na mayroong “turbo timers” na metro na halos sumisingil na umano nang doble.

Ang apela ni Nograles sa LTFRB ay kasunod na rin ng mga natanggap nitong reklamo na may mga taxi na kahit bagong calibrated ang metro ay  mabilis ang pagpatak ng metro kung saan direktang apektado ang P2 kada minuto running travel fee charged sa mga mananakay nito.

“One of the reports said that a 15-second lapse in real time gets reflected as a 30-second lapse on the taxi meter. This means that the timer on these flawed or purposely modified meters run twice as fast as they should. This is the new style of ‘batingting’ that the LTFRB should guard against. I urge passengers of taxis to be observant and call the attention of the driver if they notice these so-called turbo timers. Matinding panloloko yan,” pahayag ni Nograles.

Ayon kay Nograles malaki na ang itinaas sa pasahe ng mga taxi na kahalintulad na rin sa Grab kaya walang dahilan para mandaya pa ang driver.

“Bakit kasi kailangan pa dayain yung bagong metro, ang laki na nga ng naidagdag sa bayad ng pasahero mula sa dating singil,” giit ni Nograles.

Nangangamba si Nograles na kung hindi agad aaksyon ang LTFRB ay mas maglilipana pa ang ganitong modus lalo ngayong holiday season.

Obserba pa ng mambabatas na maramig pasahero ang ayaw nang sumakay sa taxi dahil sa mas mataas na singil dahil sa ganitong modus, kaya apela nito sa mga driver, kung nais nitong may makuha pang pasahero ay maging patas at huwag dayain ang kanilang pasahero.

“We are slowly witnessing the demise of the taxi because of these cheating drivers and operators. More and more people are staying away from taxi because some of the drivers are cheaters and their vehicles are dirty. I think that they really have to shape up or people will completely stop patronizing them,” pagtatapos pa ni Nograles.

 

96

Related posts

Leave a Comment