MAG-ASAWA TIMBOG SA P2-M SHABU

0

NASAMSAM ng mga awtoridad ang tinatayang sa P2 milyong malaga ng umano’y shabu sa isang mag-asawa na nasakote sa buy-bust operation sa Caloocan City noong Biyernes.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director Ronaldo Ylagan ang mga suspek na sina Saad Beraur, 35, at Emma Beraur, 33, kapwa ng Barangay 188, Tala, Caloocan City, naaresto matapos bentahan ng P32,000 halaga ng shabu ang isang undercover police dakong alas-3:20 ng hapon sa Camaro Street, Brgy. 175, Camarin.

Ayon kay General Ylagan, ang menor de edad na anak ng mag-asawa na nasa loob ng isang Toyota Hi- Ace van (NAX-1789) habang isinasagawa ang transaksyon, ay na-rescue ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kasunod ng pagkakaaresto ng kanyang mga magulang.

Nakuha ng mga operatiba ng SDEU, sa pangunguna nina P/Capt. Joel Guimpatan at P/Capt. Deo Cabildo, sa mag-asawa ang dalawang medium size plastic sachets at apat na medium knot-tied ice
plastic bags na naglalaman ng aabot sa 400 gramo ng shabu na may standard drug price na P2,720,000, marked money at ang Hi-Ace van na ginagamit ng mga suspek sa illegal activities.

Nakuha din sa mga suspek ang silver weighing scale, cellphone, tatlong automated teller machine (ATM) cards at dalawang bank passbooks.

Sinabi ni Caloocan Police chief, P/Col. Dario Menor, ang mag-asawa ay kapwa nasa drug watch list ng pulisya at barangay at responsable umano sa paglaganap ng illegal drugs sa North Caloocan. (FRANCIS SORIANO)

Related posts

Leave a Comment