MAINTENANCE MEDS ILILIBRE SA MAHIHIRAP

GAMOT-6

ISINULONG sa lungsod ng Quezon ang programang pangkalusugan na kinapapalooban ng regular na pamamahagi ng ‘maintenance medicines’ sa mga karapat-dapat na mamamayan ng lungsod.

Tugon ito ni Quezon City Councilor Imee Rillo matapos malaman na maraming pamilya na may mga sakit na high blood at diabetes ang hindi nakabibili ng kanilang mga gamot.

Ayon sa konsehal, una nang nagsagawa ang kanyang tanggapan ng survey sa kanilang mahihirap na ‘constituents’ na may mga sakit o may iniinom na maintenance medicine, ar nalaman nila na karamihan sa mga ito ay hindi na bumibili ng gamot dahil mas nais umanong unahin ng mga ito ang malagyan ng pagkain ang kanilang kumakalam na sikmura.

Dahil dito, lumagda sa memorandum of agreement (MOA) si 4th District Councilor Rillo at apat na ospital na pinatatakbo ng pamahalaan para umayuda sa  medikal at pagpapalibing ng mahihirap na residente ng lungsod.

Ang MOA signing ay dinaluhan nina dating Councilor Marvin Rillo; Dr. Alfonso Nunez, OIC Medical Center chief ng East Avenue Medical Center (EAMC);  Dr. Joel Abanilla, Executive Director ng Philippine Hearth Center (PHC); Dra. Evelyn Victoria Reside, Medical Center chief ng Quirino Memorial Medical Center (QMMC), at Dra. Epifania Simbul, Medical Center chief ng National Children’s Hospital (NCH).

Sasagutin naman nina Barangay Chairman Rodel Lobo at Debra Navarro ng Amber Funeral Services na kabilang din sa lumagda sa MOA, ang pagpapalibing sa mahihirap na namamatay.

Nabatid na naglaan si Rillo ng pondong P300,000 sa EAMC, PHC, NCH, habang  P200,000 naman sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC).  (TJ DELOS REYES)

148

Related posts

Leave a Comment