MMDA OFFICIALS LAGOT SA MATINDING TRAFFIC SA EDSA

poe44

(NI NOEL ABUEL)

PINAGPAPALIWANAG ni Senador Grace Poe ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mala-sardinas na ilang araw nang trapik na nararanasan sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Ayon kay Poe, chair ng Senate Committee on Public Services, magpapatawag ito ng public hearing para paharapin ang mga opisyales ng MMDA at iba pang opisyal ng pamahalaan sa darating na Agosto 13, upang magpaliwanag sa sobrang idinulot na trapiko sa EDSA sa gitna ng test run na pagbabawal sa mga provincial bus na dumaan sa nasabing kalsada.

“Matinding kalbaryo na naman ang nararanasan ng ating mga kababayang dumadaan sa EDSA. Maniningil tayo ng paliwanag at hindi natin palalagpasin ang kailangang managot sa kaguluhang ito,” pagtitiyak ni Poe.

“Bakit ginagawa tayong parang science project, puro eksperimento, habang taumbayan naman ang nagdurusa?” tanong pa nito.

Sinabi pa ni Poe na anumang iimplementang traffic schemes at mga polisiyang nakapaloob dito ay dapat na ikonsidera ang mga motorista at commuters.

“Kung nagpatupad ng polisiya, bakit kalunus-lunos ang paglala ng trapik?” pag-uusisa pa nito.

Giit nito, dapat na masusing pag-aralan ang nasabing traffic scheme lalo na at taumbayan ang nananawagan na pansamantalang ipagpaliban ang impementasyon nito.

“We will thresh out all these issues in a productive dialogue where all stakeholders will have a voice and will be part of the solution,” sabi pa ni Poe.

 

92

Related posts

Leave a Comment