NARCO VID SINIMULAN, TINAPOS SA LOOB NG KUMBENTO

nikoy2

SINABI ni Peter Joemel Advincula, ang nagpakilalang si ‘Bikoy’ sa serye ng narco video na ikinalat kung saan iniuugnay sa droga ang halos buong pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iligal na droga, na isang pari ang nagpakilala sa kanya kay Senador Antonio Trillanes IV.

Sinabi ni Advincula na ang buong serye ng video at plano ay inumpisahan sa isang kumbento at doon din natapos ang lahat.

“Ang lahat ng nangya ri sa ‘Ang Totoong Narcolist’ video episode 1 to video episode 5, ‘yong nirecord ko no’ng nasa isang kumbento ako, lahat ‘yon pawang scripted, lahat ‘yon pawang kasinungalingan,”giit nito.

Ginawa anya ang video upang siraan mismo ang Pangulo at maging ang lahat ng administration candidates kabilang si dating Special Assistant to the President na ngayon ay senator-elect Christopher “Bong” Go.

Kabilang din sa mga iniuugnay ni Advincula sa paggawa ng narcolist video ay ang pangunahing mga miyembro ng Liberal Party na sina Senator Risa Hontiveros at Senator Leila De Lima.

“Kasinungalingan kasi may plano ‘yong kabilang kampo, ‘yong kabilang kampo magpaputok ng issue para ma-divert ‘yong attention ng tao, papataas nang papataas ang ratings ng administration candidate samantalang walang pumapasok particularly sa Otso Diretso candidate,”paliwanag nito.

“At ito nga ‘yong paputok nong kay Bikoy, para ma-discredit si Senator-elect Bong Go hindi totoo ‘yon, walang katotohanan, at ‘yon pawang orchestrated lamang ng mga nasa-kabilang party which is the Liberal Party under the handling of Senator Antonio Trillanes IV,” dagdag ni Advincula.

“Hindi ko ho kaya na panindigan ‘yong mga scripted lang ng kwento na ngayong talo na ‘yong mga kandidato nila nararamdaman ko unti-unti na akong nilalaglag, at ang kinakatakutan ko ay baka sila pa ang mag-eliminate sa akin kalaunan dahil wala na akong silbi,”saad pa nito.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment