Nawalan ng raket sa pandemya BUHAY TINAPOS NG ENTERTAINER

0

NAGBIGTI ang isang 21-anyos na entertainer dahil sa matinding depresyon nang mawalan ng raket dahil sa pandemya sa COVID-19, sa inuupahang kuwarto sa Malate, Manila, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang biktimang si Joshua Dela Paz, live-in partner, naninirahan sa panulukan ng San Andres at Adriatico street sa Malate.

Base sa ulat ni Det. Mark Daniel De Guzman ng Manila Police District- Homicide Section, bandang alas-3:47 ng hapon nitong Huwebes nang madiskubreng nakabigti ang biktima sa kumot sa inuupahan nilang kuwarto.

Ayon sa ka-live in, mula nang mag-pandemic, hindi na kumikita ang biktima bilang entertainer.

Ang trabaho umano ng biktima ay bilang payaso na nagpapatawa sa birthday party o kasalan gayundin sa lamay sa patay.

Ngunit ang kaunting kinikita ay nawala umano dahil sa COVID-19.

Hindi naman umano sapat ang kinikita ng live-in partner ng biktima bilang online casino dealer.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang mabatid kung may foul play sa pagkamatay ng biktima. (RENE CRISOSTOMO)

Related posts

Leave a Comment