NON-ESSENTIAL STALLS SA MUNTI, IPINASARA

0

IPINATIGIL ng mga tauhan ng Muntinlupa City Business Permits and Licensing Office (BPLO) at mga opisyal ng Barangay Alabang ang mga tindahang nakabukas at nagpapatuloy ang operasyon kahit nagsimula na ang ECQ sa National Capital Region Plus noong Marso 29.

Partikular na naapektuhan ng pagpapahinto ng operasyon ang mga tindahan sa bangketa sa Alabang, Muntinlupa City na nananatiling bukas sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ) sa kabila ng pagiging non-essential business ng mga ito.

Karamihan sa ipinasarang mga stall ng BPLO at barangay ay nagtitinda ng mga damit, gadgets at accessories, habang ang mga kainan na mayroong pa-dine in set-up sa mga customer, ay ipinasara rin.

Apela ng mga ipinasarang tindahan, kinailangan nilang magpatuloy ng operasyon ng negosyo dahil doon sila kumukuha ng kita upang may pangkain ang kanilang mga pamilya lalo na’t nasa ilalim ng ECQ ang NCR Plus at pinalawig ang limitasyon ng mga pagkilos.

Ipinaliwanag naman ng local government at pamahalaang barangay na mga tindahan lamang ng essential goods kagaya ng pagkain at gamot ang pwede ang operasyon sa ilalim ng ipinatutupad na ECQ.

Samantala, nitong Huwebes ay nagsimulang ipamahagi ng Muntinlupa City ang emergency subsidy o assistance mula sa national government at LGU para sa mga pinakaapektadong pamilya sa ilalim ng ECQ. (DAVE MEDINA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment