P1.4-M SHABU NASABAT SA TAGUIG BUY-BUST

0

ARESTADO ang dalawang lalaki makaraang makumpiskahan ng P1.426 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Taguig City noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Jose Hernando, 20, at Enzo Dwight Javier,18, nakumpiskahan ng mga pulis-Makati ng P207,000 halaga ng umano’y shabu dakong alas-7:30 ng umaga sa Brgy. Pinagsama, Taguig City.

Ngunit nakuha rin ng mga pulis mula sa mga suspek ang dala ng mga ito na 107 gramo ng shabu na P1.156 milyon ang halaga.

Isinagawa ang operasyon batay sa tip sa pulisya ng Makati na magbebenta umano ang mga suspek ng shabu sa Taguig City.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MARINHEL T. BADILLA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment