PNP-AKG PERSONNEL SUMALANG SA DRUG TEST

NAGSAGAWA ang Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group ng simultaneous drug test sa lahat ng personnel nito upang matiyak na drug free ang grupo.

Isinagawa ang unang simultaneous drug test sa lahat ng AKG personnel sa Luzon, Visayas and Mindanao Field Units sa PNP-AKG Headquarters Lobby dakong alas-9:20 ng umaga noong Nobyembre 23.

Layunin ng nasabing simultaneous drug test, na inisyatibo ni PNP-AKG Director BGen. Jonnel C. Esmoto, na maalis sa grupo ang PNP personnel na sangkot o gumagamit ng illegal drugs.

Ang simultaneous drug test ay bilang pagsunod sa layunin at polisiya ni PNP chief, Gen. Debold M. Sinas na pagpapatupad ng patuloy na random drug test sa lahat ng PNP personnel at upang maiiwas ang mga ito sa paggamit ng ilegal na droga.

Layunin din ng nasabing drug test, na isinagawa sa pakikipagtulungan ng PNP Crime Lab, na palakasin ang mandato ng tanggapan na ma-monitor ang kapakanan at kalusugan ng bawat PNP-AKG personnel.

“Vision is not enough; it must be combined with venture. It is not enough to stare up to the step; we must step up the stairs”, ayon sa PNP-AKG. (JESSE KABEL)

 

58

Related posts

Leave a Comment