PORK HOLIDAY DINEDMA NG PASAY VENDORS

TUMANGGI ang mga manininda sa Pasay City Public Market na makilahok sa ikinasang pork holiday sa mga pampublikong pamilihan sa Metro Manila nitong Lunes.

Ayon sa mga tindero at tindera ng karne ng baboy, makikipagsapalaran silang magtinda kahit halos walang tubo makaraang itakda ng gobyerno ang price ceiling ng karne ng baboy sa P300 kada kilo.

Nitong Linggo bago ang implementasyon ng price ceiling ng karne ng baboy, nasa P300 per kilo ang bagsak sa kanila ng traders pero nitong Lunes ng madaling araw ay ipinasa sa kanila sa halagang P245 hanggang P270 kada kilo kaya may tutubuin pa umano sila na hanggang P30 per kilo.

Ngunit ang isang malaking dahilan ng mga tindero at tindera ng karne ng baboy, na hindi lumahok sa pork holiday, ay ang pangambang mawala ang kanilang mga customer.

Samantala, ang ibang meat vendor ay magtitinda na rin umano ng manok at karne ng baka upang makadagdag sa kanilang kikitain. (DAVE MEDINA)

72

Related posts

Leave a Comment