PRESINTO, ISTRUKTURA NA SAGABAL SA KALYE GIGIBAIN

presinto44

(NI ROSE PULGAR)

INIHAYAG kahapon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na uunahin nila ang kanilang mga sariling istruktura na obstruksyon sa mga kalsada bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay NCRPO Director Police Major Gen Guillermo Eleazar, ito ay upang maipakita sa publiko na kaya nilang ipatupad ang kautusan sa sarili at para gayahin na rin ng iba.

“This is day 1 of the implementation of the DILG memorandum circular at maganda na bago tayo manggiba ng iba e gibain muna natin yung sa atin na nagba-violate” ani Eleazar.

Dahil dito, inuna ng NCRPO sa pamamahala ni Eleazar at PNP Chief, General Oscar Albayalde ang paggiba sa Police Community Precinct (PCP)-6 sa San Juan City at iba pang kalapit na istruktura na matagal nang nasa bangketa noon pang dekada 80.

”Magkakaroon na sila ng moral ascendancy na gibain yung kanila kasi giniba nga natin yung satin eh’,” dagdag pa ni NCRPO chief.

Ang operasyon sa paggiba sa mga obstruksyon sa kalsada ay nakasaad sa Memorandum Circular 2019-121 na inisyu ni Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Dumalo rin ang NCRPO sa pulong ng mga alkalde sa DILG nitong Lunes kung kailan nagbigay ang ahensya ng 60 araw na palugit para maipatupad ang kautusan.

“NCRPO heeds the call to remove all obstructions in local roads after President Rodrigo R Duterte asked all local government officials in his State of the Nation Address to reclaim public spaces and ease traffic congestion,” dagdag pa ng NCRPO head.

94

Related posts

Leave a Comment