‘PROV’L BUS BAN SUBUKAN MUNA’

bus12

(NI KIKO CUETO)

NANAWAGAN ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na subukan na muna ang ban sa provincial buses sa EDSA, maging ang pagbabawal sa pagsakay at pagbaba ng mga provincial bus sa EDSA.

“We are appealing to the public to please give this system a try. That is why we are conducting a dry run, to see what needs to be tinkered with, and if it does not work, then we will totally scratch it,” sinabi ni MMDA Special Operations Group head Bong Nebrija sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN.

Ipinatupad ang dry run sa ban on provincial buses nitong Lunes, pero sinunod agad ang pagbabawal sa pagbaba ng mga pasahero na sakay ng provincial buses sa EDSA at sa mga major roads. Multang P500 ang kakaharapin ng mga drivers.

Ayon kay Nebrija, bukod sa P500 fine para sa illegal loading and unloading, ang mga lalabag ay mahaharap sa penalties na P150 para sa disregarding traffic signs, P1,000 sa road obstruction, at P1,000 sa hindi pagtupad sa closed door policy.

Sinabi naman ni MMDA Spokesperson Celine Pialago na sa ilalim ng ban ang bus operators ay dapat na magbaba ng mga pasahero sa government-constructed terminals gaya sa Parañaque, Valenzuela City at sa Sta. Rosa, Laguna, kung saan maaari silang sumakay sa city vehicles.

“We are now requiring bus operators to at least allow one of their units, just one, to pass through those interim terminals,” sinabi ni Pialago.

“We will just monitor how many of them complied and participated in the dry run,” dagdag nito.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment