Rido, droga, politika SINISILIP SA PAGPATAY KAY MAYOR SABAL

BUMUO ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Manila Police District (MPD) na tututok sa imbestigasyon hinggil sa pagpatay kay Talitay Mayor Abdul Wahab Sabal.

Ito ang ipinahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Debold Sinas sa press briefing sa Station 10 ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Biyernes ng umaga.

Si MPD Director P/BGen. Bernabe Balba ang mamumuno sa binuong SITG na siyang nangunguna sa imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa nabanggit na alkalde.

Sinabi ni Sinas, tatlong anggulo ngayon ang kanilang sinisilip sa krimen tulad ng Rido o away-pamilya, politika at ilegal na droga.

Sa utos ni Sinas, makikipag-ugnayan si Balba kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) PNP Director P/BGen. Marni Marcos para makakuha ng karagdagang detalye para sa mabilis na ikalulutas ng kaso.

Matatandaan, si Sabal ay binaril at napatay nitong Pebrero 10 habang pababa ng kanyang sinasakyang kotse sa harap ng isang Hotel sa Maynila. (NICK ECHEVARRIA)

 

Related posts

Leave a Comment