Sa pagsipa ng covid cases sa Navotas ‘PALENGKE HOLIDAY’ TUWING LUNES

0

NILAGDAAN ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-016 na nagsasaad na tuwing Lunes, kailangang magsara ang mga public market, grocery, at talipapa para sa general cleaning at disinfection kasunod ng ulat ng City Epidemiology Surveillance Unit na tumaas ng 349% ang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon sa alkalde, ang mga lugar at establisiyementong ito ay nananatiling puntahan ng maraming tao kaya mahalagang mapanatiling malinis ang mga ito.

Patuloy rin ang panawagan ng pamahalaang lungsod na sumunod sa safety measures, kasabay ng paghingi ng pakikiisa ng lahat.

“Tungkulin po natin na gawin ang lahat ng makakaya para maiwasan ang paglala ng hawaan. Kailangan magmalasakit po tayo sa isa’t isa. Kahit malakas po tayo at hindi natin iindahin kung magkaroon man tayo ng COVID-19, paano naman po ang iba na mahihina ang katawan at maaaring mamatay dahil sa sakit na ito?” ani Tiangco.

“Bawat isa ay may maitutulong para mapagtagumpayan natin ang laban sa pandemya—manatili sa bahay hanggang maaari, magsuot ng face mask at face shield, dumistansya ng 1-2 metro mula sa iba, at maghugas parati ng mga kamay. Malaki ang magagawa ng simpleng pagsunod natin dito para mapigil na ang hawaan at matapos na ang pandemyang nagpapahirap sa ating lahat,” patuloy ng alkalde.

Isa ang namatay, dalawa ang nagpositibo at 20 ang gumaling sa COVID-19 sa Navotas noong Pebrero 27.

Umabot na sa 6,507 ang tinamaan ng COVID sa Navotas. Sa bilang na ito ay 5,563 ang gumaling, 193 ang namatay at 301 ang active cases. (ALAIN AJERO)

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment