SINITA SA CURFEW TIMBOG SA SHABU

0

BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng umano’y shabu makaraang masita ng mga pulis na nagbabantay sa Quarantine Control Point sa Malabon City noong Martes ng gabi.

Kinilala ni Malabon Police chief, P/Col. Joel Villanueva ang arestadong suspek na si Rafael Molleda, 30, ng Bulacan, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at Art. 151 ng Revised Penal Code.

Ayon kay Col. Villanueva, alas-10:30 ng gabi, nagbabantay sa Quarantine Control Point sa kahabaan ng MH Del Pilar, Arkong Bato, Brgy. Santulan ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 3 nang makita nila ang gumagalang suspek.

Nang tanungin kung authorized person outside residence at hanapan ng identification card ang suspek ay pumalag ito at tinangkang tumakbo ngunit agad siyang napigilan ng mga pulis.

Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang P8,160 ang halaga. (FRANCIS SORIANO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment