TINDERO TINUSOK NG KAPWA VENDOR

AGAW-BUHAY ang isang 38-anyos na tindero nang patraydor na saksakin ng kapwa vendor dahil sa dating alitan sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Nakaratay sa Caloocan City Medical Center sanhi ng saksak sa likod ang biktimang si Ronald Armenio, ng Phase 9, Package 2, Staging Area, Brgy. 176, Bagong Silang

Kinasuhan naman ng frustrated murder ang suspek na si John Bequilla, 29, ng nasabi ring barangay, matapos masakote ng mga tanod at mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 3, sa follow-up operation.

Ayon sa pulisya, alas-6:45 ng umaga habang nagbebenta si Armenio ng bamboo sticks sa Phase 9, Package 5, Bagong Silang nang mula sa likuran ay sumulpot ang suspek na armado ng patalim at walang sabi-sabing sinaksak ang biktima sa likod.

Bagama’t sugatan nakatakbo ang biktima habang sumisigaw kaya’t tumalilis ang suspek ngunit nadakip sa follow-up operation. (ALAIN AJERO)

67

Related posts

Leave a Comment