TRANSPORT STRIKE NILANGAW

0

(NI LYSSA VILLAROMAN/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN)

INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi naging matagumpay ang isinagawang nationwide transport strike ng grupong Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) at Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON)  upang ipanawagan ang pagpapasuspinde ng jeepney modernization program.

Ayon kay MMDA spokesperon Assistant Secretary, Celinne Pialago,  kaunti lamang ang pasaherong na-stranded papasok sa kanilang trabaho sa ibang lugar sa Metro Manila habang ang iba ay hindi naramdaman ang transport strike.

Ayon kay Pialago,  ang mga lugar na may mga stranded na pasahero ay agad naman bumalik sa normal na sitwasyon bago pa ang 8:30 ng umaga.

“Hindi ganun kadami ‘yung stranded. Kung i-aassess ho natin, para ho itong Friday rush hour. Ang ine-expect po talaga namin, mag-o-occupy ng at least one lane ‘yung mga stranded na pasahero,” pahayag ni Pialago.

Nagpakalat din ang MMDA ng mga bus na siyang magsasakay sa mga stranded na pasahero bago pa ang 5:00 ng madaling araw kahapon subalit karamihan sa mga pasahero ay hindi naman sumakay sa mga MMDA buses dahil sila ay papunta sa ibang ruta.

“May challenge po tayong na-encounter dahil hindi naman sinakyan ng ating commuters. Particularly, hindi ho nila route ang via EDSA,” ayon kay Pialago.

Pahayag pa ni Pialago na nagkaroon lamang ng pagtaas ng mga stranded na pasahero sa Philcoa dahil sa naging paralyzed ang ruta ng Philcoa sa North EDSA, Philcoa papuntang Arayat-Cubao at Philcoa patungong Manila.

“Ang ginawa ho ng MMDA ay nagpadala tayo ng city buses na mag-a-address ho ng ruta na kailangan nila. So nag-a-adjust ho tayo,” ayon kay Pialado.

Ang libreng sakay ng MMDA para sa mga stranded na pasahero ay 24 hours kung ang transport strike ay magpapatuloy pa sa mga susunod na araw.

Agad din naman tumugon ang mga local government units, Philippine National Police at iba pang government agencies na magbigay ng libreng sa mga pasaherong stranded at pag-suspend ng mga klase sa eskuwelahan. .

“Because of their transport strike, many local governments have been forced to suspend classes to ensure that not many will be affected by it. Burdening the commuters can never be considered as success,” ayon kay Pialago.

Ayon pa kay Pialago, bagaman kaunti lamang ang mga namasadang public transport vehicle ay wala pa rin abiso sa kanila ng lifting ng number coding para mga pribadong sasakyan.

Umabot sa libo ang sumama sa transport strike na isinagawa kahapon ng ACTO at PISTON upang tutulan ang plano ng gobyerno sa pag-alis ng mga sasakyan sa kalye na may 15 ng taon na ang edad.

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment