URBAN AGRICULTURE PINALAWAK NG DA

PARA makamit ang pangangailangan ng pamilya sa seguridad ng pagkain, ang Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Bureau of Plant Industry (BPI) at Agricultural Training Institute (ATI) ay nagsama-sama at binuo kamakailan ang Urban Green Communes (UGC) para sa pagtatanim sa Metro Manila.

Iprinisenta nina BPI Asst. Director Glenn Panganiban at ATI Development Management Officer Romermart Penamora ang updates kaugnay sa iba’t-ibang inisyatiba ng DA’s urban agriculture program sa mahigit 20 community gardens sa 10 siyudad.

Ang mga ito ay ang mga siyudad sa Metro Manila na kinabibilangan ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Mandaluyong, Manila Muntinlupa, Parañaque, Pasig, Taguig at Quezon City.

“The 2021 goal is to have a city-level community of community gardens in every city in Metro Manila,” pahayag ni Atty. JC Tejano, isa sa founders at members ng UGC.

Sa nasabing pagtitipon-tipon, binigyan diin ni BPI Asst. Director Panganiban ang kahalagahan ng ‘proof of concept’ sa pagpapakita sa publiko kung paano magtagumpay sa urban agriculture.

Idinagdag pa niya ang kahalagahan ng pagbabago sa pag-iisip ng mga kabataan sa pagsasaka at pagsisimula ng kanilang kabataan na makaranas ng pagsasaka na kanilang pahahalagahan.

“I hope you can spread the word through your good experiences and good vibes so that more people can engage in urban agriculture,” dagdag pa ni Panganiban.

Samantala, tinukoy naman ni Mr. Penamora ang iba’t ibang inisyatiba ng ATI sa pag-establisa ng urban agriculture gardens sa mga komunidad, paaralan, unibersidad at mga pampublikong opisina na nagpamalas ng iba’t ibang mga teknolohiya, gayundin ang probisyon ng starter kits at access sa impormasyon at kaalaman sa urban agriculture.

Ang BPI at ATI ay magbibigay ng libreng buto at punla sa community gardens na nangangailangan ng pagpapalaganap.

Ang UGC ay isang grassroots community ng urban gardeners na ang layunin ay para ipakilala ang community gardening sa Metro Manila.

Ito ay binubuo ng advocates, organizers, educators, enthusiasts, community leaders, volunteers at growers.

Ang nasabing pagtitipon ay nagbigay ng oportunidad para sa pagpapalitan ng kaalaman sa pagitan ng national at local stakeholders na binigyang diin ang adbokasiya ng gobyerno at pagsisikap na makagawa ng urban gardening na tugon sa pamilya para sa seguridad sa pagkain sa ilalim ng new normal. (JOEL O. AMONGO)

73

Related posts

Leave a Comment