WATER LEVEL NG ANGAT DAM BUMABA

angatdam22

BUMABANG muli ang water level sa Angat dam sa Bulacan ngayong Sabado, ayon sa weather bureau.

Ayon sa Pagasa, bandang alas-6:00 ng umaga, nananatiling nasa 161.45 meters ang water level sa dam.

Ito ay mas mababa sa 161.86 meters na naitalaga ng alas-6:00 ng umaga nitong Biyernes.

Samantala, ang water level sa La Mesa dam sa Quezon City ay bahagyang umakyat ngayong Sabado.

Bandang alas-6:00 ng umaga, ang tubig sa La Mesa dam ay naitala sa 72.38 meters.

Mas mataas ito sa 72.31 meters na nairekord ng alas-6:00 ng umaga nitong Biyernes.

Sa dalawang dam kapwa kumukuha ng tubig ang mga taga-Metro Manila at karating lalawigan.

109

Related posts

Leave a Comment