1 LINGGO NANG ‘DI NAKIKITA: PANGULO ABALA SA PAPERWORKS — PANELO

DUTERTE

SINAGOT ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang pagkawala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo at iginiit na nasa Davao City lamang ito at nagtatrabaho.

Sa panayam, sinabi ni Panelo na may mga paperworks na ginagawa ang Pangulo sa kanyang lalawigan.

Isang linggo na umanong hindi nakikita ang Pangulo at ang huli ay sa pagbubukas ng Palarong Pambansa.

Makailang ulit na ring ipinagtanggol ng Malacañang na walang malubhang sakit ang Pangulo.

Nagbigay na rin ng pahayag ang Presidential son na si Paolo at sinabing mas malakas pa sa kalabaw ang kanyang ama.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment