18 BI EMPLOYEES  SA ‘EXTORT TRY’ SA 15 KOREANS SUSUSPINDEHIN

bi121

(NI FROILAN MORELLOS)

NAGPALABAS ng suspension order ang Department of Justice (DoJ) laban sa 18 empleyado ng Bureau of Immigration (BI) sa pagkakasangkot ng mga ito sa extortion attempt sa Angeles, Pampanga nitong nakalipas na buwan.

Ito ay makaraang maghain ng reklamo ang 15 Korean national sa opisina ni Pangulong Rodrig0 Duterte at sa DoJ na may kinalaman sa panghihingi umano ng pera sa mga biktima ng mga tauhan ng intelligence department ng Bureau of Immigration .

Bukod sa kasong kriminal na ihahain sa korte, kakaharapin pa ng mga suspek ang kasong administratibo sa kamay ng mga taga board of discipline, na siyang magrerekomenda sa DoJ sa ginawa nilang kasalanan.

 

84

Related posts

Leave a Comment