0
SINABI ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na tatanggap ang Pilipinas ng 2 milyong doses ng bakunang Sinovac na gawa ng China at Gamaleya Research Institute ng Russia ngayong buwan.
Sa 2 milyong doses, 1.5 milyon ang ide-deliver ng Sinovac habang ang 500,000 naman ay manggagaling sa Gamaleya.
Hinggil naman sa karagdagang donasyon ng AstraZeneca vaccine doses sa ilalim ng COVAX Facility, sinabi ni Galvez na gumagamit sila ng diplomatic channels upang matiyak na matatanggap ng bansa ang nasabing bakuna.
Ani Galvez, ang AstraZeneca shots ay maaaring dumating sa bansa sa huling bahagi ng Abril.
Ang impormasyong ito ay mula kay World Health Organization country representative Rabindra Abeyasinghe. (CHRISTIAN DALE)