5 doktor positibo sa COVID-19 OSPITAL SA SAMPALOC, PINADLAK

NAKITAAN ng mga sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang limang doktor kaya pansamantalang pinadlak ang Ospital ng Sampaloc para isailalim sa disinfection.

Ito ang naging mungkahi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso upang bigyan ng panahon ang mga doktor, nurse at iba pang healthcare workers/frontliners na makabawi sa pagkakasakit at maisagawa ang malawakan at masusing disinfection sa nasabing ospital.

Bukod sa limang doktor na nagpositiho, 14 iba pang doktor, walong nurse at adminisrrative staff ang naka-quarantine dahil sa mga sintomas ng COVID-19.

Napag-alaman, ang konsultasyon sa Internal Medicine, Pedia, Obstetrics/Gynecology, Anesthesiology, Paanakan, at Medico-Legal Clearances ay maaaring gawin sa Ospital ng Maynila Medical Center, Justice Jose Abad Santos General Hospital at sa Ospital ng Tondo.

Ililipat naman ng pagamutan ang mga pasyente habang ang mga puwede nang ma-discharge ay pauuwiin na. (RENE CRISOSTOMO)

43

Related posts

Leave a Comment