5 KADETE SA PNPA HAZING MASISIBAK

0

(NI AMIHAN SABILLO)

HINDI malayong mapatalsik nang tuluyan sa Philippine National Police Academy ang limang kadete na sangkot umano sa pambubog sa kapwa nila kadete.

Ito ang Inihayag ni  PNPA spokesperson Police Lieutenant Colonel Byron Allatog, nang alamin ang itinatakbo ng imbestigasyon sa limang kadete na upperclassmen ng biktimang si Cadet 4th  Class John Desiderio.

Sinabi pa nito na sa loob ng 20-araw ay inaasahang lalabas ang resolusyon sa kaso at mayroong posibilidad na ang limang kadete ay masibak sa PNPA, depende sa magiging ‘appreciation’ ng summary hearing officer.

Isiniwalat din nito na maliban umano sa kasong administratibo, inihahanda na rin ang kasong kriminal para sa limang kadete habang hinihintay pa ang resulta ng medico-legal report ni Desiderio.

Sa ngayon, nanatiling naka-isolate ang mga kadete habang patuloy naman nagpapagaling si Desiderio.

Noong nakaraang buwan ay isinugod sa ospital si Desiderio matapos dumaing ng pananakit ng tyan dahil sa pisikal na pang aabuso.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment