5M PANG PAMILYA IPINASASAMA NI PDU30 SA CASH AID PAYOUT

IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa inter-agency task force na isama ang 5 milyong households bilang recipients ng emergency cash aid mula sa pamahalaan.

Sa ipinalabas na memorandum araw ng Sabado, May 23, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay inatasan na isama ang “additional five million eligible households” para sa second tranche ng Social Amelioration Program.

Ang limang milyong eligible households ay idaragdag sa 12 million beneficiaries sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act (Republic Act 11469), tinatayang 18 million low-income households at mga nasa informal sector ang target na mabigyan ng monthly cash subsidies mula P5,000 hanggang P8,000 para sa dalawang buwan.

Ang pagdaragdag ng limang milyong pamilya sa listahan ng mga benepisaryo ay rekomendasyon ng COVID-19 Task Force kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. CHRISTIAN DALE

Related posts

Leave a Comment