76 CONVICT SA GCTA LAW NASA KUSTODIYA NA NG BUCOR

bucor55

(NI HARVEY PEREZ)

UMAABOT na sa 76 convict sa heinous crime nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA), ang nasa kustodiya na ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Justice Spokesperson Usec. Markk Perete, ang mga convicts ay nagsisuko bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsisuko sa loob mg 15 araw ang mga Persons Deprived of Liberties (PDL) na nakinabang sa GCTA.

Nabatid na kabilang na rito ang dalawang convict sa Chiong sisters rape-slay case na nakilalang sina  Ariel Balansag at Alberto Caño .

Ang 28 umano sa sumuko ay galing sa PNP Region 2 na inihatid pabalik sa BuCor kamakalawa ng alas-7:30 ng gabi sakay ng PNP bus.

Nabatid kay Perete na patuloy rin ang pagtanggap ng report ng BuCor mula sa iba’t ibang PNP Regional Office kaugnay sa mga convict na nagsisuko na sa kanilang tanggapan.

Nakipagpulong na rin ang  DOJ Interim Oversight Committee sa mga BuCor officials para pag usapan ang  coordinating mechanisms, at pagsasagawa ng inspeksiyon sa mga kulungan.

Samantala,sinabi rin ni Perete na ayon sa Bureauof Immigration(BI) ,wala naman ni isa sa mga nakalayang PDLs ang nagtangkang lumabas ng bansa.

76

Related posts

Leave a Comment