9 cabinet members pumuporma sa senatorial line up PALASYO NO COMMENT

NO COMMENT si Presidential Spokesperson Harry Roque sa umano’y line up ng mga posibleng isabak ng administrasyon sa senatorial race sa susunod na taon.

Kaugnay ito sa report ng isang news portal na siyam na cabinet secretaries umano ang pinangalanan ni Pangulong Duterte para maging potential senatorial candidates.

Nangyari umano ang pagkakabanggit sa siyam na pangalan nitong huling cabinet meeting.

Ang sinabi lamang ni Sec. Roque ay saklaw rin ng executive privilege ang pagpupulong at ang umano’y line up ay hindi naman kasama sa agenda.

Ang anoman aniyang hindi kasama sa agenda ay mananatiling confidential.

Ang mga tinukoy na gabinete ay sina Secretaries Mark Villar, Ramon Lopez, Arthur Tugade, Francisco Duque III, Silvestre Bello III and Karlo Nograles, Chief Presidential Legal Counsel Salvador

Panelo, Presidential Spokesperson Harry Roque at Vaccine Czar Carlito Galvez.
(CHRISTIAN DALE)

71

Related posts

Leave a Comment