90-DAY SUSPENSION IPINATAW SA N. COTABATO GOV

catamco22

(NI ABBY MENDOZA)

PINATAWAN ng 90-day suspension ng Sandigabayan si North Cotabato Gov Nancy Catamco dahil sa maanomalyang pagbili ng fertilizer.

Sa 7-pahinang resolusyon na ipinalabas ng Sandiganbayan 6th Division inatasan nito ang Department of interior and Local Government(DILG) na ipatupad ng ipinalabas na suspension order at magsumite ng report ukol sa ginawang aksyon sa loob ng 15 araw.

Batay sa rekord ng kaso, May 2004 nang makipagsabwatan si Catamco sa mga kapwa akusado na sina Poro Cebu Municipal Mayor Edgar Rama at isang Pompey Perez na kasosyo nito sa isang negosyo na Perzebros Company para sa pagbili ng 3,000 bote ng VitaCorp Liquid Organic Fertilizers na nagkakahalaga ng kabuuang P5 milyon.

Lumilitaw na sa Perzebros ibinigay ang award sa pagbili ng fertilzier na hindi dumaan sa public bidding at wala ring rekomendasyon sa mula sa Bids and Awards Committee.

Nabatid na P1500 kada bote ang halaga ng biniling fertilizer na overpriced umano ng halos P1,000 kada bote.

Si Catamco ay 3 term congresswoman at nitong 2019 midterm election ay nanalong governor ng North Cotabato.

 

95

Related posts

Leave a Comment