ABS-CBN SUPALPAL KAY DEFENSOR

0

(BERNARD TAGUINOD)

SUPALPAL kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang ABS-CBN matapos ireport ng nasabing media network na mamimigay ng veterinary drug na Ivermectin ang mambabatas.

“Isang malaking Fake News ang pinapakalat ng ABS-CBN na ang ipamimigay ko na ivermectin ay isang veterinary drug. Wala pong doctor na [magpe-prescribe] ng gamot na para sa mga hayop,” ani Defensor.

Magugunita na inanunsyo ni Defensor na mamimigay ito ng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City para maproteksyunan ang mga ito sa COVID-19 at gumaling ang mga nagpositibo sa nasabing sakit.

Kasunod nito ay inireport ng ABS-CBN sa kanilang online outlet na veterinary drug ang ipamimigay ni Defensor bagay na kanyang pinalagan dahil nagpapakalat aniya ng maling impormasyon ang nasabing network.

“Masyado po ata nilang minamaliit ang mga tao na nagsasabing maaaring gamitin na precautionary medicine ang Ivermectin. Ito po ay human grade Ivermectin at nakapaloob po ang proseso ng pagbibigay sa regulasyon ng FDA (Food and Drug Administration),” ani Defensor.

“Tulong lamang po ito at walang babayaran ang mga tao na nangangailangan at nakakuha ng prescription para sa Ivermectin,” dagdag pa ng mambabatas.

Si Defensor ang isa sa mga mambabatas na nag-imbestiga sa mga paglabag, hindi lamang sa Saligang Batas kundi sa prangkisa ng ABS-CBN noong nakaraang taon na naging dahilan para hindi bigyan ng panibagong lisensya ang nasabing TV station.

Samantala, ikinatuwa ng mambabatas ang report na inaprubahan na ng FDA ang aplikasyon ng isang ospital para sa compassionate special permit sa paggamit ng Ivermectin sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 patients.

Gayunpaman, inaantay pa umano ni Defensor ang official pronouncement ng FDA hinggil sa nasabing isyu bago ito magbigay ng kanyang pahayag.

Naging adbokasiya ni Defensor ang pagtutulak sa Ivermectin bilang panggamot at proteksyon sa COVID-19 matapos siyang gumaling sa nasabing virus at isa ang naturang gamot sa kanyang mga ininom.

Kahapon ay muling naglabas ng datos si Defensor para patunayan na epektibo ang Ivermectin na panlaban sa COVID-19 lalo ngayong lumalala ang kaso sa bansa matapos ang isang taon.

Ayon sa mambabatas, nagkaroon na ng 48 trials, na sinalihan ng 375 scientist sa may 15,580 COVID-19 patients sa iba’t ibang panig ng mundo.

Lumabas umano na 89% improvement sa 12 prophylaxis trials; 79% improvement sa 16 early treatment trials; 50% improvement sa 20 late treatment trials; 79% improvement sa 18 mortality results at 68% improvement sa 25 randomized controlled trials.

 

SPECIAL PERMIT

Kahapon ay inanunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) na binigyan na nito ng compassionate special permit (CSP) ang isang ospital para magamit ang Ivermectin laban sa COVID-19.

“Mayroon na kaming na-grant dahil ang Ivermectin ay isang investigational product at alam naman na nating may clinical trials na ongoing para gamitin against COVID-19,” ani FDA director general Eric Domingo.

“Mayroon na rin kaming dalawang application for certificate of product registration. Binigyan na sila ng mga listahan ng mga requirements na kailangan [nilang] i-submit para umandar yung kanilang application at ma-evaluate.”

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment