ABS-CBN THE END NA?

MATUTULDUKAN na nang tuluyan ang operasyon ng ABS-CBN matapos isyuhan na rin ng National Telecommunications Commission (NTC) ng cease and desist order (CDO) ang Sky Cable kaugnay ng napaso nilang prangkisa.

Sa tatlong pahinang CDO na inilabas ng NTC nitong Martes, Hunyo 30, inatasan ang Sky Cable na huminto sa kanilang operasyon dahil napaso na ang kanilang prangkisa noong Marso 30, 2020.

“In view thereof, upon receipt of this Order, Sky Cable Corporation is directed to: Immediately Cease and Desist operating its Direct Broadcast Satellite Service authorized under Case No. 2012-386,” ayon sa kautusan ng NTC.

REFUND

Kasama sa kautusan ng NTC ang pagre-refund ng nasabing kumpanya sa binayaran ng kanilang mga subscriber na hindi nila nagamit at maging ang siningil ng mga ito sa devices sa mga tao.

Unang tinangka ng Sky Cable na ipa-renew ang kanilang prangkisa  sa pamamagitan ni North Cotabato Rep. Jose “Pingping” Tejada noong July 30, 2019, subalit tulad ng ABS-CBN franchise ay hindi naaksyunan ng Kongreso kaya napaso ang kanilang prangkisa. (BERNARD TAGUINOD)

Related posts

Leave a Comment