AHENTE NG PUNERARYA IPAGBABAWAL SA OSPITAL

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

BAWAL na ang mga ahente ng mga punerarya sa hospital kapag naipasa ang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa kanyang House Bill (HB) 2572, sinabi ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo na kailangang ipagbawal ang pagtatambay ng mga ahente ng punerarya at nagpapapirma ng kontrata sa pamilya ng mga taong naghihingalo sa ospital.

Hindi aniya maganda tignan na habang ginagawa ng mga doktor ang kanilang makakaya para buhayin ang pasyente, ang inaatupag naman ng ahente ng purenarya ay siguruhin na sila ang makakakuha ng kontrata kapag ito ay namatay.

“This is not just morally anachronistic. It is an insult to the role of the hospitals and the core thrust of medical practice when funeral agents as much as attempt to invade the premises asking or in fact looking for dying or terminally-ill patients in an intent to forge a contract with the immediate family member,” ani Castelo sa
kanyang panukala.

Dahil dito, kailangan aniyang ipagbawal ng mga ospital ang mga ahente ng purenarya sa mga kanilang pasilidad

“Hospitals are there to run to in order to insure that patients come out alive and well. And doctors in the hospitals are like minded to keep their patients alive and well as possible,” ayon pa sa mambabatas.

Hindi nagrekomenda si Castelo ng parusa sa mga ahente ng mga punerarya na mag-aabang ng mga mamamatay na pasyente dahil ipauubaya niya ito sa Department of Health (DOH).

Subalit ang mahalaga aniya ay kailangang walang makitang ahente ng mga punerarya sa mga ospital, pribado man mo pampublikong pagamutan dahil hindi ito magandang tingnan.

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment