ANOMALYA SA PHILHEALTH LALALA SA UHC 

philhealth12

(NI BERNARD TAGUINOD)

KAILANGANG wasakin ang sindikato sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay mas lalala pa ang katiwalian dito dahil sa Universal Health Care (UHC) law.

Ito ang iginiit ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor kasunod sa tinatayang P153.7 billlion na overpayment ng Philhealth sa mga nakaraang taon kung saan ay pangunahing biktima aniya ay ang mga mahihirap na pasyente.

Ayon kay Defensor mahigit P250 billion ang pondo ng UHC na iimplementa ng Philhealth at mahigit doble umano ito sa hawak na pondo ng korporasyon na itinutulong sa mga may sakit na miyembro.

“If we don’t correct the anomalies and fraud in Philhealth, the tendency for widespread abuse and pilferage will be greater considering the huge amount under Universal Health Care,” ani Defensor sa Saksi Ngayon.

Isa sa layon ng nasabing batas na paramihin pa ang mga pasyenteng matutulungan sa kanilang mga bayarin sa pagpapahospital kaya hindi imposibleng magkaroon umano ng hokus-pokus para palabasin na maraming natulungan gamit ang nasabing pondo tulad ng nangyayari aniya ngayon sa Philhealth.

Base sa mga report, nagbabayad umano ang Philhealth ng mga claims kahit hindi beripikado na mayroong pasyente at patunay dito ang nabunyag na pagbabayad nito sa WellMed kahit ang patay na ang pasyente na nagda-dialysis.

“Ito (pekeng pasyente na ginagastusan) ang nais nating iwasan kaya dapat seryosohin ang paglilinis sa Philhealth. Parusahan ang mga dapat parusahan or else lalala pa corruption,” ayon pa sa mambabatas.

98

Related posts

Leave a Comment