APPROVAL RATING NI DU30 INAASAHANG TATAAS PA

duterte55

(NI BETH JULIAN)

INAASAHAN ng Malacanang na tumaas pa ang approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, na nakikita nilang lalo pang makikita ng publiko na nagsisikap ang Pangulo na maisaayos ang panumuhay ng mga Filipino sa pagtatapos ng kanyang termino.

Ayon kay Andanar, sasabayan nila ang pagsisikap ng Pangulo at pursigidong magtrabaho upang malagpasan ang 85 percent approval ratings ng Presidente.

Sinabi ni Andanar na target nilang makamit ang 87 percent hanggang 90 percent trust rating sa pagtatapos ng termino ng Pangulo.

Batay sa resulta ng SWS survey, lumabas ngayong buwan 80 percent ng mga Pinoy ang nagsasabing kuntento sila sa performance ni Pangulong Duterte.

Sa survey naman ng Pulse Asia ay nakakuha naman ito ng 85 percent trust and approval rating.

Related posts

Leave a Comment