ASIN TAX NG DOH TINUTULAN SA SENADO

0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

TUTOL ang ilang senador sa balak ng Department of Health (DOH) na patawan ng buwis ang mga produktong ginagamitan ng asin.

Para kay Senate President Vicente Sotto, lumilitaw na lumalagpas na ang DOH sa kanilang mandato.

“I think they are now going overboard. Bakit pati pagkain namin gustong pakialaman ng DOH?” saad ni Sotto.

Pinayuhan naman ni Senador Panfilo Lacson ang DOH na huwag ituloy ang kanilang plano at mag-isip na lamang ng ibang paraan upang mabawasan ang pagkonsumo ng mga maaalat na pagkain.

“DOH should not pursue its plan to impose sin tax on daing, tuyo, noodles and other similar foods of the poor. If it’s a genuine health issue, they better find another way to regulate consumption. There are many ‘health-hazard’ foods on the dining tables of the rich and affluent,” saad ni Lacson.

Ipinaalala naman ni Senador Francis Tolentino sa kanyang pagtutol sa panukala na mahalaga rin ang asin sa pagbalanse ng kakusugan.

“No (I will not support the proposal) – salt is needed to maintain proper fluid balance and  relax muscle fibers- although too much of everything is bad – salt is not bad per se – kung pati daing ita-tax kawawa lalo mahihirap na mangingisda!” diin ni Tolentino.

Itinuturing naman nina Senador Imee Marcos at Senador Koko Pimentel na anti poor ang panukala.

“Pagkain ng mahirap ang tuyo at daing! Wag naman! bakit hindi i- tax ang malalaking kumpanya ng telco, mga minahan na hindi naman sumusunod sa batas, mga bigtime importer ng langis atbp- minsanan koleksyon, malakihan pa,” din ni Marcos.

“We need to study that very well coz the tax might be imposed on food items consumed by the poorer sections of our society,” diin ni Pimentel.

Pero ayon kay Pimentel kung para sa junk food ang panukala ay pabor siya rito.

“But tax on junk food i am very open to that. Just define junk food very well,” dagdag ni Pimentel.

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment