Babala ni PDu30 sa magsasamantalang local officials KULONG SA ‘MANGUNGUPIT’ NG RELIEF PACKS

0

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi ito ang panahon para kumita at magsamantala kaya binalaan niya ang mahuhuling mandaraya sa mga ipagkakaloob na tulong pinansiyal, gamit at pagkain sa mga tao at nangangailangan.

“I am not a cruel man pero kung may report ang pulis, I will order your detention hanggang matapos itong COVID-19.

Wag na ‘wag kayong mandaya, mangurakot, at taguin ‘yung mga pagkain at ‘yung iba hindi bigyan… kung mamulitika ka tapos mabalitaan ko na ‘yan ang gawa mo,” ayon sa Pangulo.

Handa rin aniya niyang suspendihin agad sa trabaho ang mga ito.

“I will suspend you ora mismo. And for those who are really absconding the money, I will detain you, and maybe I will release you pagkatapos ng COVID-19,” aniya pa rin.
Samantala, nagpalabas ng kautusan ang Chief Executive sa bawat departamento at binigyan ng responsibilidad ang mga ito sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, ang batas na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa kanya para labanan ang COVID-19 at ang epekto nito sa bansa.

“I issued an order through Executive Secretary Medialdea clearly laying down the responsibilities of each dept in implementing the Bayanihan to Heal as One Act,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Public Address, Lunes nggabi, Marso 30.

“I have given them their marching orders emphasizing the need for sufficient authority so that they do not have to go back to me and ask for clearance for each and every action they have to take,” aniya pa rin. CHRISTIAN DALE

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment