BAKUNA KONTRA COVID-19 POSIBLE SA ENERO, 2021 – PDU30

UMAASA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na madidiskubre na ang bakuna kontra COVID-19 nang maaga sa susunod na taon.

Kaya ang panawagan ng Pangulo sa publiko ay pigilan na muna ang mamatay bago pa madiskubre ang bakuna laban sa COVID.

Sa public message ni Pangulong Duterte, ngayong Miyerkoles, ay tinukoy ng Chief Executive ang kamakailan lamang na balita tungkol sa American biotech firm Moderna, na napaulat na nag-prodyus ng “positive interim” results sa first clinical tests nito.

Dahil dito, umaasa si Pangulong Duterte na ang bakuna ay magiging available sa Enero 2021.

“So kung ganoon, ‘wag ka sanang mamatay hanggang January. Hintayin mo ‘yung vaccine. ‘Pag tinawag ka ng kamatayan, sabihin mo p— ina ka umalis ka diyan, may hinihintay ako na vaccine. Hindi ko pa panahon mamatay,” ayon kay Pangulong Duterte.

Sa kabilang dako, makailang ulit na binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng bakuna sa paglaban sa virus dahilan upang tanggapin niya nang maayos ang Moderna news.

Tinukoy ni Pangulong Duterte ang napaulat na naging matagumpay ang Chinese researchers sa pag- develop ng bakuna.

“‘Yan ang good news talaga. That is what I was really hoping for, the vaccine. Because ang kalaban ng COVID isa lang talaga, it’s the vaccine that can really fight the infection. Wala nang iba. ‘Yung sariling katawan mo lang. Walang medisina, walang antibiotic,” ayon kay Pangulong Duterte.

Matatandaang, nag-alok si Pangulong Duterte ng P50 million reward para sa makadidiskubre ng bakuna para sa COVID-19.

Samantala, pinaalalahanan naman ng Punong Ehekutibo ang publiko na sundin ang mga protocol laban sa virus gaya ng social distancing, paggamit ng mask, at tamang cough etiquette.

“COVID will remain with us until such time na nabakunahan tayong lahat. Hindi sabihin na may bakuna na at successful na at okay na. Hanggat hindi ka matusukan ng vaccine. You are still in danger,” ayon sa Pangulo.

“So hindi to ibig sabihin na wala na, andyan pa ‘yan. The corona will not disappear, it is here for all time,” dagdag na pahayag nito. CHRISTIAN DALE

Related posts

Leave a Comment