BAYANIHAN BILL SA BAKUNA IKINAKASA

KASUNOD ng Bayanihan Law 1 at 2, isa pang Bayanihan Bill ang ikinakasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para tugunan naman ang vaccination rollout program ng gobyerno.

Tinawag ni Albay Rep. Joey Salceda na Bayanihan sa Bakuna Act ang kanyang House Bill (HB) 8285 na siyang magiging batayan kung paaano ipatutupad ang vaccination program ng gobyerno upang walang masayang na bakuna lalo na’t maiksi ang expiration ng COVID-19 vaccines.

Ang Bayanihan 1 ay tinawag na Bayanihan to Heal as One Act habang ang Bayanihan To Recover As One Act ay kilala bilang Bayanihan 2.

Ginawa ng mambabatas ang nasabing panukala dahil bagama’t magkakaroon na ng supply ng bakuna ang bansa simula sa Pebrero, ay mistulang kulang sa paghahanda sa logistics.

“Every day counts in this drive for vaccines. The greatest loss of opportunity costs would be if the vaccine were to arrive and we are not able to deliver them to the public as quickly. Procurement is only half the problem. We need to prepare logistics,” ani Salceda.

“The record of the DOH when it comes to efficient delivery of vaccines for different diseases is mixed. So, the existing structures obviously do not inspire confidence,” dagdag ng mambabatas.

Dahil dito, kailangan aniya ang ikatlong Bayanihan Law upang masiguro na agad na maibakuna sa mga tao ang bibilhing COVID-19 vaccines at walang masasayang dahil maiksi lang ang expiration ng mga bakunang ito.

Nais ng mambabatas na ilaan ang 10% hanggang 25% sa P82.5 billion na inilaan sa pagbili ng bakuna, para sa logistics at hindi aniya maiiwasan na mangyari rin sa Pilipinas ang nangyari sa America dahil sa 35.9 million doses na nai-deliver sa nasabing bansa ay 16.5 million lang ang naibakuna dahil sa usapin ng logistics tulad ng kakulangan ng personnel, storage at vaccination sites.

“The impression we get in Congress is that the logistics plans are still scattered. The House does not intend to call for hearings similar to what the Senate just did. But we want to be briefed, at least,” ani Salceda, kaya kailangan ang nasabing panukala. (BERNARD TAGUINOD)

46

Related posts

Leave a Comment