BIYAHE PALABAS NG BANSA TULOY

MAAARING bumiyahe ang mga Filipino migrant workers at turista patungong ibang bansa mula Luzon habang nakataas ang “enhanced community quarantine” sa lugar, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“OFWs and foreign nationals leaving for abroad shall be allowed to leave the Philippines anytime for the duration of the enhanced community quarantine, provided that proof of international travel itinerary scheduled within 24 hours must be presented,” ani CabSec Nograles sa press briefing nitong Martes.

Aniya, may mga kondisyon ang polisiya. Isang tao lamang ang papayagan na makasama ng isang biyahero o traveler patungo sa ibang bansa.

Ang mga Filipino migrant worker ay maaaring dalhin sa kani-kanilang airports at seaports sa pamamagitan ng transport vehicles na manggagaling sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ang mga non-essential travel mula sa kahit na anomang port o daungan sa Luzon ay suspendido.

Ang Outbound movement sa mga bansang may ipinatutupad na travel restrictions dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ay ipinagbabawal habang nasa quarantine period.

Ang mga Outbound passenger ay binigyan ng hanggang Marso 19 para umalis ng Pilipinas matapos ilagay ang Luzon sa ilalim ng enhanced community quarantine ni

Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagsisikap na masawata at mapigil ang pglaganap ng COVID-19. CHRISTIAN DALE

250

Related posts

Leave a Comment