BSP PROBE SA CHINA BANK, TULOY

SINIMULAN na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang imbestigasyon sa reklamo na isinampa ng DOSRI (Directors, Officers, Stockholders, and their Related Interests) laban sa mga director at opisyal ng China Bank.

Sa statement na inilabas ng BSP, ang reklamo ay kaugnay sa “over P40B billion worth of unreported and illegal DOSRI loans” na isinampa laban sa top officials ng nasabing bangko.

Matatandaan na Hunyo 3, 2020 nang isampa ang reklamo sa Monetary Board laban sa directors at officers ng bangko kaugnay sa hinihinalang paglabag sa provisions ng Republic Act (R.A.) No. 7653 (The New Central Bank) na inamyendahan at R.A. No. 8791 (The General Banking Law of 2000).

Kinumpirma ng BSP, na ang reklamo ay nasa Investigation and Prosecution Group of the Office of the General Counsel and Legal Services at kasalukuyan na silang nagsasagawa ng imbestigasyon.

Kasabay nito, tiniyak ng BSP na maipatutupad ang legal na proseso sa nasabing reklamo laban sa mga opisyal at director ng bangko.

Gayunpaman, bagama’t isinailalim na sa imbestigasyon ang reklamo ay ipatutupad pa rin nila ang “confidentiality” sa usapin na may kinalaman sa bangko tulad ng nakasaad sa ilalim ng kanilang charter.

Tiniyak din ng BSP sa publiko na pinatibay nila ang kanilang rules kaugnay sa DOSRI para mahadlangan ang mga posibleng mapagsamantalang pagkilos ng directors, officers, stakeholders and interests (DOSRI) ng bangko.

“Rest assured that the Philippine banking system remains fundamentally sound despite the challenges over the years. 2020 proves to be no exception despite the COVID-19 pandemic. The banking system is sound and resilient due to strict implementation of banking regulations”, base pa sa statement ng BSP.

Nauna rito, pumutok ang reklamo na isinampa ng DOSRI sa BSP laban sa mga director at opisyal ng China Banking Corporation (CBC), China Bank Savings Inc., (CBSI) at China Bank Capital Corporation (CBCC).

Ito ay kaugnay umano sa umaabot sa mahigit apat na bilyong pisong halaga ng pautang sa Philippine Primark Properties Inc. (Primark), isang mall development company na naging 51% na pag-aari ng SM Investment Corporation (SMIC) nang ibigay ang mga pautang.

Isinampa ang reklamo noong Hunyo 3 sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ni LKY Group President and CEO Wilbert Lee. (JOEL O. AMONGO)

74

Related posts

Leave a Comment