CEBU MAYOR KULONG SA PAGTANGGAP NG HONORARIUM

sandigan12

(NI JEDI PIA REYES)

NAHAHARAP ngayon sa pagkakabilanggo ng hanggang anim na taon ang alkalde ng Cebu dahil sa pagtanggap umano ng honorarium.

Sa ipinalabas na desisyon ng Sandiganbayan, natukoy na guilty sa paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Mayor Lionel Bacaltos ng bayan ng Sibonga.

Si Bacaltos ay nanalo nitong nakaraang eleksyon ngunit siya ay pinagbawalan din na humawak sa anumang posisyon sa gobyerno at inatasan magbayad sa munisipalidad ng halagang P17,512.50.

Maaari namang umapela ang alkalde sa naging desisyon ng anti-graft court.

Nakasaad pa sa desisyon ni Justice Alex Quiroz ng Sandiganbayan 4th division na mayroong sapat na ebidensya para idiin si Bacaltos dahil nagastos niya ang pondo ng munisipalidad para sa kabayaran sa kanyang honoraria mula sa Philhealth kahit wala siyang karapatan.

Nag-ugat ang kaso matapos na magreklamo si dating councilor Mary Joejie Chan sa Office of the Ombudsman.

Ang nasabing honorarium ay dapat umanong ekslusibo lamang sa municipal health personnel ngunit si Bacaltos ay hindi naman health worker.

83

Related posts

Leave a Comment