CHINA MAKIKINABANG SA CHA CHA

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG mayroong higit na makikinabang sa Charter Change (Cha Cha) na nakalusot na sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay hindi ang mga Filipino kundi ang China na kaibigan ng administrasyon.

Ito ang paniniwala ni ACT party-list Rep. France Castro matapos aprubahan sa House committee on constitutional amendments na pinamumunuan ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang Resolution of Both Houses para amyendahan ang 1987 Constitution.

Ginawa ni Castro ang pahayag dahil bukod sa pagpapalawig sa termino ng mga halal na opisyales ng gobyerno mula Mayor hanggang Senador ay bubuksan ang ekonomiya sa mga dayuhan.

“Nakikita na natin ang mukha nitong kasalukung administrasyon kung saan patutungo ito (Cha Cha) yung pagbubukas pa lalo (sa ekonomiya). Alam naming natin na nakikipagkabigan ang administrasyong ito sa China. Kaya pagbubukas ito sa friend daw ng ating gobyerno,” ani Castro.

Sinabi ng mambabatas na kabilang sa mga bubuksan ang ay natural resources ng bansa tulad ng langis, kagubatan at iba pa maliban sa mga lupang sakahan na posibleng pasukan ng mga Chinese nationals kapag nagkataon.

Maging ang sektor ng edukasyon, kalusugan, media at iba pa ay puwede nang pasukan ng mga dayuhan na hindi na kailangan umano ng partner na Filipino kapag naamyendahan ang Saligang Batas.

Dahil dito, sinabi ng mambabatas na kanilang lalabanan ito, hindi lamang sa loob ng Kongreso kundi sa lansangan upang maprotektahan ang interes ng mamamayang Filipino.

Ang nasabing panukala ay unang ipinasa sa isang Executive session na ipinatawag na komite kamakalawa  at nakatakda umano itong isalang sa ikalawang pagbasa sa susunod na linggo.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment